(082) 233-6986 / 0975-6031957 / 0947-6165796
Tuloy po! You are all God's gift to us.

THE LOCKDOWN MENU
Served Daily (Except on Sundays)
Eat. Community. Quick.
★ Pork Sisig
Ito po ang aming best seller, mura na masarap pa. Pag meron kang ice cold beer, aba'y solbs na! Of course, pwede rin pang ulam to mga tol.
₱120

Chicharon Bulaklak
Anong bulaklak ang pwedeng kainin? Minsan ginagawa itong ulam ng mga katropa mong sumasama sa inuman ng gutom. Ubos ang pulutan!
₱199

Calamares
Ito ang sure na sure na masarap pang pulutan sa inuman. Pwede ring sabayan ng kanin para solbs na ang pang hapunan.
₱199

Dinakdakan
Ilocano delicacy na nakahiligan na rin ng buong Pilipinas. Sakto ang anghang pampatulo ng pawis, sabay tagay ng ice-cold beer.
₱199

Tuna Kinilaw
All time favorite na appetizer. Meron pong version kada probinsya at rehiyon, Pero ito po ay swak na swak sa panlasang Dabawenyo!
₱229

Sinigang Baboy
Sabaw na hahanap-hanapin, kasi pag papawisan ka kahit isang higop lang. Ihanda ang isang kalderong kanin.
₱164

Sinigang Bangus
Ayaw mo ng baboy? Ito ang sabaw na hahanap-hanapin, ng mga isdatarian. Isang kalderong kanin pa rin.
₱164

Sinigang Tuna Belly
Ayaw ng baboy at bangus? No problemo pa rin mga isdatarian, tuna belly ang para sa yo.
₱199

Sinigang Shrimp
Ayaw ng karne? Swak to sa inyo mga shrimpetarians, wag kalimutang balatan. Isang kalderong kanin pa rin.
₱169

Bihon Guisado
Pampahaba ng buhay contestant number 1. Masarap din po to ipalaman sa loaf bread. Ang pinoy nga naman mahilig mag innovate basta pagkain.
₱154

Sotanghon Guisado
Pampahaba ng buhay contestant number 2. Pag nagugutom ang katropa, lapagan mo ng sotanghon para tumigil sa kahihimas ng tiyan.
₱189

Canton Guisado
Pampahaba ng buhay contestant number 3. All time peborit mga repapeps, hindi nawawala sa bertday ni pareng Juan at mareng Juana.
₱169

Bam-I
Pampahaba ng buhay contestant number 4. Confused kung anong pansit ang kakainin? Ipaghalo nalang para doble ang haba ng buhay mo!
₱179

Lomi
Pampahaba ng buhay contestant number 5. Hinahanap-hanap ng mga lasing, kasi pag mainit ang sabaw nakakawala ng world is turning around.
₱164

★ Pinakbet
Best-seller na gulay na katakam-takam. Sa mga mahihilig sa gulay na meron konting sabaw, rice pa more!
₱196

Chopsuey
Isa pang gulay na pampakulay ng iyong buhay. Palaging nauunang maubos ang mga itlog, bakit kaya?
₱269

★ Ginataang Nangka
Another Donum Dei best-seller. Sarap na gustong-gusto ng mga vegetarian na Pinoy. Tikman na!
₱219

Ginataang Mongo w/ Dilis
Gusto mo nang sabaw na peborit ng mga lolo at lola? Tikman ang ginataan na ito kung sawa kana sa karne.
₱129

Lechon Kawali
Ewan ko lang kung meron pang matira, pag ito na ang kaharap mo sa mesa. Kainan na mga tsong!
₱169

★ Beef Kare2x
Sa sabaw palang sulit na sulit na! Kaya naman naging paborito ng mga Donum Deirs itong isang to.
₱350

★ Pork Pata Kare2x
Kung ayaw mo sa beef, no problemo, meron kaming pork pata na siguradong papatay sa iyong gutom
₱650

★ Crispy Pata
Sino ba ang hindi maglalaway sa putaheng gustong-gusto ng mga Pinoy? Tsibugan na!
₱469.50

★ Patatim
Isa na namang specialty ng Donum Dei na tiyak ma de-delay ang iyong pagpapapayat. Bukas na ang diet.
₱519

Fried Chicken
Kung pritong manok ang trip mo, bakit pa mag chi-chicken joy kung pwede naman mag Donum Dei joy.
₱195

Batter Fried Chicken
With its crisp and nubbly crust, this batter fried chicken is fried chicken perfection. Ingles yun ha!
₱195

Curry Chicken
Alam nyo ba ano ang peborit food ng mga Golden State Warriors fan? Yup, chicken curry po. Pagbigyan nyo na.
₱255

Plain Rice
Tayong mga Pinoy hindi mabubuhay pag walang kanin. Kaya kung sakaling hindi ka nakapagsaing at masarap ang ulam, ilang extra rice po sir/ma'am?
₱25
